^

Bansa

Vhong nakalabas na ng ospital

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakalabas na kahapon ng St. Luke’s Me­dical Center ang actor-TV host na si Vhong Navarro matapos ang dalawang linggong pagka-confine dahil sa matinding mga pasa at sugat na tinamo sa ginawang pambu­bugbog sa kanya ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee sa condominium unit ni Deniece Cornejo sa Taguig noong Enero 22.

Pasado alas-12:00 ng tanghali nang lumabas ng naturang pagamutan si Navarro na may bakas pa rin ang ilang pasa sa mukha nito at bandage sa braso.

Pinasalamatan naman ni Vhong ang lahat ng nagdasal at patuloy na sumusuporta sa kanya kaugnay ng nangyari sa kanya.

Si Navarro ay sumakay ng van saka tumungo sa Department of Justice (DOJ) para pa­numpaan ang kanyang reklamo laban kina Lee, Cornejo at anim pa.

Anim na kasong cri­minal ang isinampa ni Navarro laban sa mga suspect noong Enero 28 – serious physical injuries, grave threat, grave coercion, unlawful arrest­, blackmail at serious illegal­ detention na isang non-bailable offense.

Una nang iginiit ni Navarro na biktima siya ng blackmail at hindi rin niya hinalay si Cornejo gaya ng sinasabi nito.

 

CEDRIC LEE

CORNEJO

DENIECE CORNEJO

DEPARTMENT OF JUSTICE

ENERO

NAVARRO

SI NAVARRO

ST. LUKE

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with