^

Bansa

Magkakarne nagprotesta

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Puerto Princesa City, Philippines - – Nagising na lamang kahapon ng umaga ang mga residente at turista sa prime destination city na ito na walang baboy o karne sa kanilang mga palengke dahil sa protestang isinagawa ng mga manggagawa at magkakarne ng matadero sa lungsod.

Inirereklamo ang hindi pagbabayad sa kanila ng night differentials, over time at 13th month pays, nais din ng mga nagpoprotestang butcher na masigurong ang fees na ibinabawas sa kanilang suweldo ay napupunta sa SSS, Pag-ibig at PhilHealth. Hiniling din nila na maging permanente sa trabaho makaraang i-empleyo ng Areza-Cruz Realty Development Co. sa nakalipas na 10 buwan.

Ang operasyon at pangangasiwa sa mo­dern slaughterhouse ng Puerto Princesa, kasama ang mga luma at bagong public markets at bus at jeepney terminal – pangunahing pinagkakakitaan ng lungsod – ay isina­pribado noong March 22, 2013 sa ilalim ng 30-year Contract of Lease na nilagdaan ni dating Mayor Hagedorn sa halagang P7M kada taon, at inaprubahan ng city council noong February 28, 2013 sa pamamagitan ng Ordinance No. 554.

Samantala, bilang tugon sa direktiba ni Puerto Princesa City Mayor Lucilo na kasalukuyang nasa Metro-Manila, kinausap ni Vice Mayor Luis Marcaida III ang mga butcher upang tiyakin sa mga ito na makikipag-ugnayan ang City Government sa Areza-Cruz upang masolusyunan ang kanilang mga problema, at hilingin sa mga ito na bumalik na sa kanilang mga trabaho, na positibo naman nilang tinanggap at nangakong agad na babalik sa kanilang trabaho.

vuukle comment

AREZA-CRUZ REALTY DEVELOPMENT CO

CITY GOVERNMENT

CONTRACT OF LEASE

MAYOR HAGEDORN

ORDINANCE NO

PUERTO PRINCESA

PUERTO PRINCESA CITY MAYOR LUCILO

VICE MAYOR LUIS MARCAIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with