^

Bansa

China, sinusulsulan ang Hong Kong para gipitin ang Pilipinas -Solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinala ni Valenzuela  Rep. Sherwin Gatchalian na ang China ang nanunulsol sa Hong Kong para gipitin ang Pilipinas upang humingi ng paumanhin sa nangyari sa naganap na Manila Hostage Crisis.

Paliwanag ni Gatchalian, napakatagal nang nangyari ng hostage crisis at nagpakita na ng lubos na pakikisimpatiya ang gobyerno sa pamilya ng mga nasawing turista sa insidenre kayat nakakapagtaka kung bakit hanggang ngayon ay isyu pa din ito para sa gobyerno ng Hong Kong.

Hindi na rin umano magtataka ang kongresista kung ang China ang nanggagatong sa isyu dahil nilalabanan ng Pilipinas ang pangbu-bully nito at iniakyat pa sa United Nations Arbitration Tribunal ang reklamo.

Nababahala si Gatchalian na mas lalong bumigat sa mga darating na araw ang sanctions ng Hong Kong sa bansa dahil ang itinakdang visa requirement para sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na magtutungo doon ay unang bahagi pa lamang umano ng sanction.

Giit pa ng kongresista, kapag nagpatupad pa ang Hong Kong ng dagdag na immigration restriction ay maapektuhan ang mahigit 1-milyon Pinoy kasama ang mga turista at domestic helpers doon gayundin ang kala­kalan sa pagitan ng dalawang bansa.

 

vuukle comment

GATCHALIAN

GIIT

HINALA

HONG KONG

MANILA HOSTAGE CRISIS

NABABAHALA

PILIPINAS

SHERWIN GATCHALIAN

UNITED NATIONS ARBITRATION TRIBUNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with