^

Bansa

Substandard product sa konstruksiyon kalat sa merkado

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon ang mga tagagawa ng materyales sa konstruksiyon na higpitan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang monitoring ng mabababang uri ng yero, alambre, at bakal na nagkalat ngayon sa merkado.

Ayon sa kanila, ang mga mahihirap ang madalas na mabiktima ng substandard pro-ducts dahil mura ang mga ito pero lumalabas na higit na mahal dahil sa madali silang masira at kailangan uling bumili nito.

Ayon kay Elmer Ngo, presidente ng Mileage Asia Corp., taga-gawa ng Cherry Lume roofing at Sumo GI sheet, mara-ming naglipanang substandard products sa merkado dahil sa mataas na insidente ng smuggling ng mga ito.

Maging ang mga hardware stores ay dapat busisiin ang kalidad ng kanilang mga itinitinda para pangalagaan ang kanilang mamimili, aniya.

“Dapat maging puspusan ang kampanya laban sa substandard products para di madaya ang ating mga kababayan,” sabi ni Ngo.

Maging ang Puyat Steel ay umayuda sa panawagan ng mahigpit na pagbabantay sa marurupok na materyales.

Dinadagsa ng mga reklamo ngayon ang sektor ng konstruksyon dahil sa pagkalat ng mabababang uri ng materyales kaya hinihiling ng mga taga-gawa nito na agad masugpo ang pagpupuslit ng mga substandard products sa bansa.

Upang makasiguro sa tamang kalidad, iminungkahi nila na hanapin ng mga mamimili ang tatak ng inspeksyon na nagpapatunay na ang materyales ay dumaan sa standard requirements o quality control ng DTI, sabi ni Ngo.

AYON

CHERRY LUME

DAPAT

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

DINADAGSA

ELMER NGO

MILEAGE ASIA CORP

NGO

PUYAT STEEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with