Taas singil sa PhilHealth haharangin sa SC
MANILA, Philippines - Pormal nang dumulog sa Korte Suprema ang grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) para hilingin ang pagpigil sa pagtataas ng premium contribution sa Philippine Health Corporation (PhilHealth), sa taong ito.
Sa petition for certiorari na inihain ng KMU, hiniling nito sa Kataas-taasang Hukuman na magpalabas ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng mas mataas na premium contribution sa PhilHealth na nakatakdang simulan ngayong buwan.
Naniniwala ang KMU na ang dagdag na bayarin para sa PhilHealth ay panibagong pasanin para sa mga manggagawa na kumikita lamang ng maliit na sahod.
Sa pamamagitan nito ay ipinapakita lamang din umano ng gobyerno na tinatalikuran nito ang resÂponsibilidad sa pag-subsidize sa health services.
Ayon sa PhilHealth, ang mga manggagaÂwang empleyado ay magbabayad na ng kontribusyon na katumbas ng 2.5-percent ng kanilang sweldo.
Sa ilalim din ng bagong sistema ng PhilHealth, ang mga miyembro na may buwanang sweldo na P8,999 pababa ay magbabayad ng P200 kontribusyon, pero sa lumang bracket, ang mga miyembro na kumikita ng P7,999 pababa ay magbabayad ng P175 monthly contributions.
- Latest