^

Bansa

Tiangco sa SC Ligalidad ng DAP desisyunan na!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si United Nationalist Alliance (UNA) Secretary General Toby Tiangco sa Mataas na Hukuman na desisyunan na ang ligalidad ng Disbursement Acceleration Program at ideklara itong taliwas sa Konstitusyon para hindi na ito buhayin ng administrasyon.

Sinabi ni Tiangco na panlilinlang lang ang argumento ng pamahalaan na “moot and  academic” na ang DAP para idismis ng Mataas na Hukuman ang siyam na petisyong kumukuwestiyon sa ligalidad nito dahil hindi na umano ito umiiral bilang isang programa.

“Lumpong katwiran iyan at isang pahiwatig na pag-amin na alam nilang labag sa Konstitusyon ang DAP,” puna ni Tiangco. “Ngayon tinatawag nilang programa iyan. Pero isa iyong programa na walang nakakaalam hanggang sa mabuking.”

Ayon pa kay Tiangco, iligal ang DAP dahil ito rin ang mekanismo na dinesisyunan ng Mataas na Hukuman sa Demetria vs. Alba case noong 1987.

Noong 1987 na panahon ni dating Pangulong Cory Aquino, idineklara ng Supreme Court na labag sa Konstitusyon ang iligal na paglilipat ng pondo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Idinagdag ni Tiangco na mahalagang desisyunan na ng Mataas na Hukuman ang DAP para mapigilan ang administrasyong Aquino sa paggamit ng naturang mekanismo.

Hindi rin anya niya kinakagat ang argumento ng Solicitor General na itinigil na ng Administrasyon ang pagpapatupad ng DAP.

“Kung totoong nakapagbigay ng mahahalagang kontribusyon sa ekonomiya ang DAP, bakit biglang inaabandona at pinapatay ang isang magandang programa?” tanong niya.

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

HUKUMAN

KONSTITUSYON

MATAAS

PANGULONG CORY AQUINO

PANGULONG FERDINAND MARCOS

SECRETARY GENERAL TOBY TIANGCO

SOLICITOR GENERAL

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with