^

Bansa

Solidarity Parade isasagawa sa Chinese New Year

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang Solidarity Parade ang isasagawa sa Biyernes sa layunin ipakita ang pagkakaisa ng grupo ng mga Chinese sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Diego Ca­gahastian, Media Bu­reau chief, kabilang sa mga grupong maki­kiisa ay ang Federation of Fili­pino Chinese Chamber of Commerce and Industry. Inc at ang Chamber of Commerce and Industry.

Sinabi ni Cagahas­tian na nakatakdang du­malo sa pagdiriwang ng Chinese New Year si Manila Mayor Joseph Estrada at iba pang city hall officials.

Magsisimula ang parade dakong alas-8 ng umaga kung sa­an magsisimula ang parada sa Binondo Church patungong Escolta, diretso ng Plaza Sta. Cruz, dadaan ng Sabino Padilla, Reina Regente at balik sa Binondo church.

Noong nakaraang taon ay nagsimula ang parade sa Plaza Sta. Cruz at nagtapos sa Binondo Church na mariin namang tinutulan ng Chinese.

Batay anila sa Feng Shui mas magandang buuin ang bilog sa halip na kalahati lamang ang parade.

BINONDO

BINONDO CHURCH

CHAMBER OF COMMERCE AND INDUSTRY

CHINESE NEW YEAR

CRUZ

DIEGO CA

FEDERATION OF FILI

PLAZA STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with