Sa crime solution: PNP dinaig ang US, Japan at HK
MANILA, Philippines - Sa pambihirang pagkakataon, ipinagmalaki kamakalawa ng PhilipÂpine National Police (PNP) na nahigitan pa nito ang Estados Unidos, Japan, Hongkong at iba pang mga bansa sa crime solution efficiency.
Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta ng PNP-Directorate for Investigative and Detective Management (PNP-DIDM) ang crime statistics nito kumpara sa nasabing mga bansa na mas moderno ang teknolohiya at mas di hamak na mas malaki ang manpower.
Una nang inulan ng mga pagbatikos ng mga mambabatas ang PNP dahilan sa lumalalang kriminalidad sa Metro Manila partikular na ang mga insidente ng pag-atake ng riding in tandem na mga kriminal.
“Magaling ang Philippine National Police, kung hindi man pinakamahusay na police organization (sa mundo) dahil sa aming higher crime solution efficiency. Mas mapayapa tayong bansa kumpara sa nabanggit na mga bansa,†pahayag ni Sr. Supt. Rosauro Acio, hepe ng Research and Analysis Division ng PNP-DIDM.
Ang nasabing rekord sa mataas na crime solution ay naitala ng PNP sa taong 2008, 2012 at 2013.
Sa tala, ang Estados Unidos na may 313,914,040 populasyon ay nasa 11,877,218 ang crime volume. 31.90 % ang crime solution efficiency sa 315.30 na crime rate kada buwan.
Ang Japan ay nasa 125,950,000 ang populasyon, 2,853,173 ang crime volume, 31.60 % ang crime solution efficiency at 188.81 naman ang crime rate bawat buwan. Ang Hongkong ay nasa 7,155 M ang populasyon kung saan 80,592 ang crime volume, 36.67 % ang crime solution efficiency at 93.86 naman ang average crime rate kada buwan.
Samantalang ang Pilipinas, aabot sa 97,600,000 ang populasyon at nasa 217,812 ang crime volume. Nasa 36.67 % ang crime solution efficiency at nasa 18.60 ang crime rate sa bawat buwan. Ang nasabing rekord ay sa taong 2012 na nagpatuloy hanggang nitong 2013.
- Latest