^

Bansa

Solon kay Bong: Harapin si Luy

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Iloilo City Congressman Jerry Trenas kay Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na itigil ang paninisi kay Pangulong Aquino sa mga kasong kinakarahap ng senador.

Sa halip, dapat anyang harapin ni Revilla ang mga kaso nito kaugnay ng kontrobersiyal na Priority Development Assistance Fund.

Idiniin ni Trenas na hindi kilala ng Pangulo ang testigo sa PDAF scam na si Benhur Luy at wala umano itong kuneksyon sa administrasyon.

Isa si Revilla sa mga mambabatas na tinukoy ni Luy na nakinabang umano sa multi-million scam na kinasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim  Napoles.

 â€œSa aking palagay, ang paninisi sa Pangulo sa kasalukuyan niyang mga problema ay walang halaga sa kasong plunder na isinampa laban sa kanya ng Department of Justice na tungkulin namang aksyunan ang mga reklamo lalo na kung malakas ang katibayan. Harapin niya ang kaso at huwag isisi ang kanyang mga kamalasan sa Pangulo,” sabi pa ni Trenas.

Sinabi pa ng kongresista na dapat ibaling ni Revilla ang kanyang mga sama ng loob kay Luy at komprontahin ito sa tamang forum. Ito lang anya ang paraan para malusutan niya ang mga problema niya sa batas.

Ipinahiwatig ni Trenas na ang pagbibigay ni Revilla ng malisya sa pulong nito sa Pangulo kaugnay ng impeachment laban kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona ay isang desperadong pagtatangka ng senador na siraan ang kasong plunder laban dito.

Idiniin pa ng kongresista na ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Revilla ay resulta ng pagbubunyag ni Luy at hindi dahil kabilang siya sa oposisyon.

BENHUR LUY

DEPARTMENT OF JUSTICE

IDINIIN

ILOILO CITY CONGRESSMAN JERRY TRENAS

JANET LIM

LUY

PANGULO

REVILLA

TRENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with