^

Bansa

Processed foods mula Japan kontaminado ng malathion

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinababawi ng Food and Drugs Administration (FDA) sa mga merkado ang mga processed food products na mula sa Japan upang matiyak na hindi ito maipagbibili sa bansa.

Lumilitaw na Disyembre 29, 2013 nang simulan ng Maruha Nichiro Holdings ang pagbawi sa may 6.4 milyong pakete ng iba’t ibang frozen foods sa Japan, matapos matuklasang kontaminado ito ng malathion pesticide at naging sanhi na nang pagkakasakit ng may 556 katao doon.

Batay sa advisory ng FDA, nabatid na ang produktong mula sa Maruha Nichiro Holdings ay hindi rehistrado sa FDA.

Inatasan na rin ng FDA ang Bureau of Customs na bantayan ang mga posibleng pagtatangkang maipasok sa bansa ang mga naturang produkto.

Tiniyak din ng FDA na tanging ang mga processed food products lamang na rehistrado at inangkat ng mga FDA-licensed food distributors ang pinapayagang makapasok sa bansa.

Inaalam na rin ng mga FDA regulation officer kung posibleng naipasok na ng illegal sa bansa ang mga naturang produkto at kung naipagbibili na ito sa mga groceries at supermarkets.

Sakaling madiskubreng ipinagbibili na ito sa merkado ay tiniyak ng FDA na kaagad nila itong kukumpiskahin.

 

BATAY

BUREAU OF CUSTOMS

DISYEMBRE

DRUGS ADMINISTRATION

FDA

INAALAM

INATASAN

LUMILITAW

MARUHA NICHIRO HOLDINGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with