Bgy. chairman arestado sa raid ng 30 armado
MANILA, Philippines - Inaresto ang isang kapitan ng barangay makaraang pamunuan umano ang may 30 armadong lalaki sa pagsalakay sa isang security outpost ng isang land developer sa Sitio Balukbok, Bgy. Hacienda Dolores, Porac, Pampanga.
Kinilala ni Porac police head, Supt. Juritz Rara ang suspek na si Antonio Tolentino, kapitan ng naturang barangay at pangulo ng Aniban ng Nagkakaisang Mamamayan sa Hacienda Dolores.
Ang Aniban ay binubuo ng 100 settler-families na kinukumbinsi na mailipat ng LLL Holdings Inc.-Ayala Land upang bigyang-daan ang joint-venture land development sa lugar.
Ayon kay Atty. Richard Tabago, site manager ng LLLHI, pinamunuan ni Tolentino ang pagsalakay noong Enero 12 sa lugar na binabantayan lamang ng dalawang security guard na sina Felizardo Clark Jr. at Larry Sabado.
“Tolentino himself led the attack at 4 a.m. including his son Ener, who, our security personnel saw armed with an M-14 rifle. Their compa-nions were also armed with long firearms such as M-16, short firearms and bolos. They almost killed our two security personnel,†saad ni Tabago.
Pinaulanan anya ng bala ng mga armadong lalaki ang lugar na nagresulta sa pagkasugat ng mga gwardya. Nakaganti naman ng putok ang mga gwardya dahilan upang masugatan din ang dalawa sa mga sumalakay.
Nadakip ng mga suspek si Sabado na tinalian ang mga kamay at leeg at pinahila sa isang motorsiklo. Nakaligtas lamang umano sa kamatayan si Sabado nang makatakas nang dalhin sa bahay ng barangay chairman matapos na makalingat ang mga suspek. Nakahingi naman ito ng tulong sa mga miyembro ng Special Weapons and Tactics unit na nagresulta sa pagkakadakip ni Tolentino.
- Latest