^

Bansa

Exercise vs ‘tabatsoy’ sa PNP hahataw

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mapanatili ang magandang pangangatawan at maalis ang pagiging “Tabatsoy” ng mga kapulisan, muling ibinalik ng Philippine National Police ang pag-ehersisyo sa buong unit nito.

Tinawag na “Hataw Na”, ang physical fitness at sports program ng PNP na isasagawa sa Camp Crame ay 30-minute Zumba, 3-km walk, 5-km Fun Run, at 10-km Biking.

Layunin ng aktibidad na ma-improve at mailagay sa ayos ang pangkalaha­tang physical well being ng mga police personnel sa kabuuan at panatiliin ang disiplina para sa maayos na kalusugan.

“The program will eventually bring about physically and mentally fit personnel who can render quality police service to the community” sabi ni Police Director Lina C. Sarmiento, PNP Director for Police Community Relations.

Giit ng opisyal, kapag maganda ang kalusugan ay mapapanatili ang kapa­yapaan at masisigurong ligtas ang publiko dahil palaging handa at akma sa paghabol sa mga kriminal at lumalabag sa batas.

Bukod pa rito, madidipensahan pa umano ng pulis ang kanilang sarili at pamilya sa anumang pa­nganib na maaring mangyari sa kanilang buhay. 

Matatandaang inilun­sad na rin ng PNP ang Taba o Tamad, Abusado, Bastos at Ayaw padisiplina dahil sa dumadaming pulis na malalaki ang tiyan na hindi kaagad nakakaresponde kapag kinakailangan.

 

ABUSADO

AYAW

BUKOD

CAMP CRAME

FUN RUN

HATAW NA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE COMMUNITY RELATIONS

POLICE DIRECTOR LINA C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with