^

Bansa

Bunkhouses tatapusin ng DPWH ngayong Enero

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatapusin ngayong buwan ng Enero ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng bunkhouses na gagamitin ng mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ayon kay DPWH Sec. Rogelio Singson, nasa 130 na ang natapos at tiwala itong makukumpleto ang lahat ng units sa katapusan ng kasalukuyang buwan.

Sinabi ni  Singson, makakaasa ang mga titira sa mga bunkhouses na mas magiging komportable sila kumpara sa mga tolda o emergency shelters.

Aminado naman si Singson na kahit anong katiyakan daw ang gagawin nila na walang overpricing at hindi substandard ang mga materyales na ginamit, sadyang hahanapan pa rin sila ng butas.

Kaya ayaw na lang daw patulan ni Singson ang mga kritisismo at bukas naman sa inspeksyon ang itinatayong mga bunkhouses.

vuukle comment

AMINADO

AYON

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

ENERO

KAYA

ROGELIO SINGSON

SINABI

SINGSON

TATAPUSIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with