^

Bansa

P15 umento sa NCR workers

Doris Borja, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinatupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang P15 dagdag sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila na bahagi ng umiiral na P30 cost of living allowance (COLA).

Ayon sa DOLE, tataas ng P15 ang halaga ng mi­nimum wage sa NCR. Ang pagsama sa minimum wage ng bahagi ng COLA ay nagkabisa simula Enero 1, 2014.

Alinsunod na rin ito sa NCR Wage Order No. 18 noong Oktubre 2013 na nagtatakda ng P10 umento sa minimum wage at ang pag-integrate sa basic pay ng P15 ng kasalukuyang umiiral na P30 COLA.

Inihayag ni DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, ang minimum wage rate para sa pribadong sektor ay nasa P466 kung saan P451 dito ay ang basic pay at P15 ay COLA.

Ang bagong wage rate ay ipatutupad para sa lahat ng mga minimum wage workers sa NCR, anuman ang kanilang posisyon o employment status.

Hindi sakop ng ba­gong wage rate ang mga kasambahay at mga mang­gagawa na nagbibigay ng personal service gaya ng family driver pati na ang mga manggagawa sa mga rehistradong Barangay Metro Business Enterprises na may Certificates of Authority.

Ayon naman sa Kilusang Mayo Uno (KMU) ang naturang wage order ay hindi makakatulong para maibsan ang matin­ding epekto ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin at mga bayarin sa serbisyo tulad ng SSS, PhilHealth, Meralco, MRT, LRT at iba pa.

Anila ang P466 na kasalukuyang minimum na sahod ay sobrang liit at hindi makakabuhay ng isang pamilya na may apat na anak.

Batay umano sa Fa­mily Living Wage sa NCR, lu­malabas sa pag-aaral ng independent think-tank Ibon Foundation noong August 2013 na dapat ay P1,051 kada araw ang sahod ng isang manggagawa at hindi P466 para makapamuhay sa kasalukuyang estado ng pamumuhay sa bansa.

AYON

BARANGAY METRO BUSINESS ENTERPRISES

CERTIFICATES OF AUTHORITY

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

IBON FOUNDATION

KILUSANG MAYO UNO

LIVING WAGE

WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with