^

Bansa

Tigdas outbreak hanggang summer

Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatagal pa hanggang summer ang outbreak ng tigdas sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ito ang kanilang nakikita sa kanilang pag-aaral bagama’t nagsasagawa sila ng massive vaccination drive para sa inisyal na 12 milyon kabataan.

Sinasabi sa pag-aaral na ang peak ng measles ay sa pagpasok ng tag-init, kung saan mas mabilis ang development ng nasabing virus.

Dahil dito, nagpulong na ang city health officers sa Metro Manila para agad na masimulan ang maramihang pagbabakuna.

Sa latest information ng DoH, 1,724 confirmed cases nationwide, kung saan 744 sa mga ito ay mula sa Metro Manila.

Maging ang World Health Organization (WHO) ay nakaantabay din sa sitwasyon ng measles outbreak sa Pilipinas, matapos makahawa ang isang Pinoy sa ilang mananayaw ng New Zealand at Australia.

AYON

DAHIL

HEALTH SECRETARY ENRIQUE ONA

METRO MANILA

NEW ZEALAND

PILIPINAS

PINOY

SINASABI

TATAGAL

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with