‘No second chance’ sa dawit sa overpricing - Ping
MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ni Presidential Assistance for Rehabilitation and Recovery Sec. Panfilo Lacson na walang “second chance†sa mga sangkot sa overpricing sa pagpapatayo ng bunkhouses para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Sinabi ni Sec. Lacson na hindi na kailangang bigyan pa ng isa pang pagkakataon ang sinumang mapapatunayang dawit sa umano’y sub-standard na pagpapatayo ng pansamantalang tirahan ng mga libo-libong biktima ng kalamidad, sa halip ay dapat agad asuntuhin sa Office of the Ombudsman ng kasong graft.
“We offer no second chance to people who cannot distinguish anymore between ordinary and extraordinary corruption,†wika ni Lacson.
Aniya, mayroon siyang mga dokumento kaugnay ng program of works, bills of materials and specifications ng proyekto na kailangan niyang ikumpara sa Department of Public Works and Highways (DPWH) kung ito ay magkakatugma.
Sa nakalap na imbesÂtigasyon ni Lacson, sa halip na plywood ay plyboard ang ginamit sa pagpapatayo ng mga temporary shelters at kumita ang mga sangkot mula 30 hanggang 35 porsiÂyentong kickbacks.
Bagamat itinanggi na ni DPWH Sec. Rogelio Singson ang akusasyon, nakikipag-ugnayan pa rin si Lacson sa DPWH para sa malalimang imbestigasyon.
Humingi na rin ng tulong ang dating senador sa PNP-CIDG upang mapabilis ang pagsisiyasat sa natuklasang katiwalian.
Wika pa ni Lacson, sinasabing isang pulitiko ang sangkot na nakikiÂpagsabwatan sa mga contractors, bagamat tumanggi munang pangalanan ito.
- Latest
- Trending