2 fake volunteer nag-solicit para sa Yolanda victims, tiklo sa Thailand!
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur sa mga Pinoy na mag-ingat sa mga grupong nagso-solicit ng donasyon kasunod ng pagkakaaresto ng dalawang pekeng volunteer sa Thailand na nangoÂngolekta ng mga donasyon at cash para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Sa ipinalabas na babala ng Embahada, pinapayuhan ang mga Pinoy na bago maglabas ng donasyon sa mga indibiduwal o grupo na nagso-solicit ay tiyaking mabuti na sila ay konektado sa mga totoong charitable group.
Ang nasabing babala ay kasunod sa pagkakatiklo sa dalawang katao na nagpakilala at nagpanggap na mga volunteer ng isang charitable institution sa Udon Thani, Thailand na nagso-solicit ng cash at mga bagay para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Nakumpiska sa dalaÂwa ang mga pekeng stickers at listahan ng donasyon at ilang cash.
Sa kabila nito, sinabi ng Embahada na wala pa silang natatanggap na ulat sa Malaysia na kagaya ng ginawang pananamantala ng dalawang nadakip sa Thailand.
Kinumpirma rin umano ng Department of Foreign Affairs ang nasabing ulat.
- Latest