Power cartel binira sa blackmail
MANILA, Philippines - Binablakmeyl umano ng mga power generator ang mga electricity consumer para umano tanggapin ng mga ito ang mas mataas na halaga ng kuryente at maiwasan ang mga blackout.
Ito ang paratang ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares bilang reaksyon sa pahayag ni Philippine Independent Power Producers Association (PIPPA) President Luis Miguel Aboitiz na ang mga planta ay hindi makakalikha ng kuryente kung wala itong perang maipapambayad sa mga fuel supplier.
Ang PIPPA ay isang asosasyon ng 28 kumÂpanya na nasa negosyo ng power generation.
“Malinaw na blackmail ito at tinatangka ni Aboitiz na paikutan ang temporary restraining order ng Supreme Court sa pamamagitan ng bantang ito,†sabi ni Colmenares.
Sinabi pa ng mambabatas na ang problema ay bunsod ng patakaran ng pamahalaan na ipaubaya sa pribadong mga korporasyon ang sektor ng kuryente sa pamamagitan ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA).
“Magiging mas mababa ang halaga ng kurÂyente kung nagpagawa ng mas maraming planta ng kuryente ng pamahalaan o ipaayos ang mga ito katulad ng sa Agus at Polangui power plant at hindi isinapribado ang mga plantang ito,†dagdag ni Colmenares.
Mali anya ang Department of Energy sa pagpipilit sa mga konsyumer na balikatin ang halaga ng manipulasyon ng mga korporasyon. “Mas may lohika kung ipapawalambisa ng pamahalaan ang EPIRA at magpataw ng regulasyon sa power industry. Dapat pag-aralan ng administrasyong Aquino kung mas makakabuÂting bawiin at bayaran ang mga power plant para makontrol ang pagtaas ng presyo ng kuryente dagdag ni Colmenares.â€
- Latest