^

Bansa

Blood type pinalalagay sa gov’t IDs

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iminungkahi ni Las Piñas Rep. Mark Villar  ang paglalagay ng blood type ng isang tao sa lahat ng ibinibigay na identification card at mga lisensya ng pamahalaan dahil maaaring maging napaka makabuluhan nito sa pagtugon sa panahon ng pangangailangan.

Sa panukala ni Rep.Villar, ang tipo ng dugo ay dapat ding maipakita sa katibayan ng kapa­nganakan at sedula ng may-ari. Kasama rin dito ang lisensya sa pagmamaneho mula sa LTO at lisensya ng mga baril mula sa PNP. Maging ang mga ID mula sa gobyerno tulad ng SSS, GSIS, pasaporte at PIC o Professional Identification Card ay dapat ding magpakita ng tamang tipo ng dugo ng may-ari.

Ang mga ahensya ng gobyerno na responsable sa pag-isyu ng nabanggit na mga lisensya at mga ID ay ang mga ahensyang magpapatupad ng batas na ito. Kinakailangan nilang makipagtulungan sa Kagawaran ng Kalusugan sa pagbuo ng mga patakaran at regulasyon upang maipatupad ang batas sa loob ng 6 na buwan mula sa petsa ng pagpapabisa.

Itinuturing na paglabag sa batas na ito ang pag­lalagay ng maling tipo ng dugo at ito ay may karampatang parusa ng hindi bababa sa P5,000. Ang isang kawani ng gobyerno na lumabag sa batas na ito ay dapat ding managot ng parehong parusa at pagpapaalis mula sa serbisyo.

Ang panukala ni Villar ay maaaring magsulong ng kamalayan sa kaha­lagahan ng pag-alam ng tipo ng dugo ng isang tao.

Hindi lamang ito makakatulong na agarang masalinan ng tamang tipo ng dugo ang isang tao sa panahon ng panga­ngailangan, ngunit maari din siyang makatulong sa ibang nangangailangan ng dugo.

Madalas, ang mga ordinaryong mamayan ay walang sapat na kaalaman ukol sa tipo ng kanilang dugo. Kung ang nasabing impormasyon ay nakalagay sa kanyang ID, palagi niya itong matatandaan o madali n’ya itong matitignan kung kinakailangan.

DUGO

IMINUNGKAHI

ITINUTURING

KAGAWARAN

LAS PI

MARK VILLAR

PROFESSIONAL IDENTIFICATION CARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with