Mga Pinoy puno pa rin ng pag-asa sa Bagong Taon -SWS
MANILA, Philippines - Punong-puno pa rin ng pag-asa ang mga Pinoy sa pagsapit ng taong 2014, sa kabila ng mga naranasang dagok ngayong taon.
Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), nabatid na 94% sa kabuuang mga Pinoy ay nagsabing may pag-asa pang kakaharapin sa Bagong Taon.
Isinagawa ang survey noong Disyembre 11 hanggang 16 sa may 1,550 na matatanda sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ang nagbigay ng pinakamataas na puntos ay ang mga taga-Mindanao na pumalo sa 92% para sa taong 2014 higit na mas mataas sa 85% noong 2012.
Bagama’t ang Mindanao ang isa sa nakaranas ng krisis, tulad ng pagpasok ng Moro National LiÂberation Front-Misuari faction noong Setyembre sa Zambonga City.
Hindi naman natinag ang Visayas na nagtala ng 93% bagama’t tumama ang lindol sa Bohol at humagupit ang super typhoon na Yolanda.
Pinakamataas namang naitala na magkaroon ng pag-asa ang bansa ay ang Luzon na pumalo sa 97%. Tuloy-tuloy ito sa pagtaas sa nakalipas na mga taon: 94% noong 2010, 95% nang 2011, 96% noong 2012.
Pero sa Metro Manila, bumaba naman sa 91% ang nagsabing may pag-asa mula sa 93% noong 2012.
- Latest