Piccolo ‘di kayang masawata ng PNP
MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng Philippine National Police (PNP) na nahihirapan silang masawata ang bentahan ng iligal na papuÂtok na piccolo na kadalasang nakakapinsala sa mga kabataang gumagamit nito sa tuwing sasapit ang Bagong Taon.
Ayon kay Police Supt. ReuÂben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, hindi tulad ng mga ipinagbabawal na paputok, nagkakaroon sila ng problema sa piccolo o watusi dahil may kaliitan at madaling ipasa.
Gayunman, gumagawa na anya ng paraan ang buong kapulisan para walisin o dili kaya ay paliitin ang paggamit ng nasabing mga paputok at nang hindi na maging problema pa ito sa mga kabataang bumibili sa tuwing Bagong Taon.
“Malaking hamon talaga sa aming kapulisan ang pagsawata sa mga paputok na ito, pero gagawin ng aming hanay ang lahat at patuloy na hahaÂnapin at hahalughugin ang mga posibleng lugar na maaÂring gumagawa o nagbebenta nito,†sabi ni Sindac.
Dagdag ni Sindac, kaya lang umano kalat ang pagbebenta at patuloy na hindi nawawala sa sirkulasyon ng mga paputok na ibinibenta ay dahil malaki ang demand o marami ang bumibili, kaya nanawagan sila na huwag nang tangkilikin ito at mag-ingay na lamang sa simpleng paraan na hindi makakaranas ng aksidente.
“Sa mga magulang, alam po sana natin ang masamang epekto ng watusi o piccolo, kaya sana ilayo natin ang ating mga anak sa ganitong uri ng bagay, upang salubungin naÂting masaya ang Bagong Taon,†dagdag ni Sindac.
Ang piccolo ang may pinakamataas na porsiyento na naitala ng Department of Health (DOH) sa mga aksidente sa paggamit ng papuÂtok kung saan pangunahing nabibiktima ay ang mga bata.
- Latest