^

Bansa

Pinakamapanganib na bgy. sa MM tinukoy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilabas ng Department of Health (DOH) ang listahan ng mga ba­rangay sa Metro Manila na sina­sabing pinakamapa­nganib pagda­ting sa dami ng naitalang fireworks (FW) injuries.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, ang listahan ay batay na rin sa 2010-2012 FW injury reports ng Aksyon Paputok Injury Reduction (APIR) campaign ng DOH.

Sa Quezon City, kasama sa most dangerous ba­rangays ay ang: 1) Batasan Hills, 2) Commonwealth, 3) Holy Spirit, 4) Payatas, 5) Sto. Domingo at 6) Krus na Ligas.

Sa Maynila naman, ang most dangerous districts/ barangays ay ang: 1) District 2, Brgy. 147-267 East Tondo, 2) District 1, Brgy. 1-146 West Tondo, 3) District 3, Brgy. 268-394 4) Binondo, 5) Quiapo, 6) San Nicolas at 7) Sta. Cruz.

Sa Valenzuela, ang most dangerous ba­rangays ay kinabibilangan ng: 1) Hen. T. de Leon, 2) Marulas, 3) Karuhatan, 4) Canumay, 5) Malinta, at 6) Parada, habang sa Las Piñas naman ay 1) Pulang Lupa Uno, 2) BF Intl Village, 3) Talon Dos, 4) Pulang Lupa Dos, at 5) Fajardo.

Sa Mandaluyong, 1) Addition Hills 2) Hulo 3) Barangka drive 4) Poblacion 5) San Jose at 6) Plainview.

Sa Pasig, 1) Pinagbuhatan, 2) Bagong ilog, 3) Pineda, 4) Bambang, 5) San Miguel, 5) Kapasigan, 7) San Joaquin, at 7) Kalawaan.

Kabilang naman sa most dangerous barangays sa Marikina ang: 1) Malanday, 2) Concepcion Uno, 3) Parang at 4) Sto. Niño.

Sinabi naman ni Tayag na ang mga ligtas na lugar o yaong walang barangay na kabilang sa most dange­rous list ang mga lungsod ng Kalookan, Makati, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pateros, San Juan, Taguig at Malabon.

Patuloy ang paalala ng DOH sa publiko na huwag ng gumamit ng paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon upang makaiwas sa aksidente.

 

ADDITION HILLS

AKSYON PAPUTOK INJURY REDUCTION

BAGONG TAON

BATASAN HILLS

BRGY

CONCEPCION UNO

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with