MANILA, Philippines - Napasok na ng MexiÂcan drug cartel ang PiÂlipinas matapos makumpirma na ang drogang nasamsam mula sa raid sa Batangas ay galing sa nasabing bansa.
Ayon kay PDEA Director General Arturo Cacdac Jr., kung dati ay ang drug syndicate mula China at Africa lamang ang binabantayan ng kanilang tanggapan, pumasok na rin sa kanilang report ang Mexican Sinaloa drug syndicate.
Sabi ni Cacdac na natuklasan nila ang natuÂrang drug ring matapos nilang mabuwag sa isang operasyon ang mini-shabu lab sa isang farm sa Lipa, Batangas. Dito ay nasamsam ang may 84 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P420 million.
Naaresto sa raid sa LPL Ranch compound sa Brgy. Inosluban, Lipa City, Batangas nitong Pasko sina Gary Ting Tan alyas Chua, 37, farm manager; Jorge Torres, isang Filipino American na may US passport; Argay Argenos at Rochelle Argenos.
Samantala iniimbestigahan na rin ang posibleng pananagutan ng maimpluwensyang angkan ng pamilya ni dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste sa nasabing drug syndicates dahil napag-alamang pag-aari ng mga ito ang sinalakay na rancho na nirerentahan ng mga suspek.
Inihayag ni Purisima na base sa ilang indikasyon lumilitaw na mayroong alyansa sa pagitan ng Mexican Sinaloa drug cartel at mga Chinese drug syndicate kung saan isa sa mga pruweba ay ang paggamit ng sindikato ng Chinese-Filipino sa kanilang operasyon.
Ayon pa sa mga opisÂyal, naghigpit ang US laban sa cocaine bunsod upang humanap ang Mexican drug cartel ng ibang teritoryo kung saan maaari nilang ituloy ang kanilang drug business at dito nila nakita ang Asya.
Sinasabi ring tumataas ang demand ng paggamit ng iligal na droga sa bansa kaya pinapasok ng mga dayuhang drug syndicate.
Batay umano sa survey na ginawa ng Dangerous Drugs Board (DDB), kada apat na taon, umaÂbot sa 1.7 milyong Pilipino sa bawat komunidad ang gumagamit ng iligal na droga.
Dahil dito, base sa kanilang obserbasyon, ginagamit ng mga dayuhang drug syndicate bilang transhipment point ang Pilipinas para sa kanilang iligal na operasyon.
Tiniyak naman ni Cacdac ang pagsasampa ng kaso laban sa mga naaresÂtong drug trafficker habang patuloy ang imbestigasyon upang matukoy at masakote ang iba pang kasamahan ng mga ito.