Green Xmas, New Year hiling ng DENR
MANILA, Philippines - Hinimok ni Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje ang mga Pilipino na ipagdiwang ang panahon ng kapaskuhan at bagong taon na walang masyadong basura at air pollution.
Sa halip anya na gumamit ng mga magagarbong regalo, masasarap na pagkain ngayong Pasko at malalakas na paputok sa bagong taon ay mas mainam na gumawa ng mga bagay na magbabawas ng epekto sa kapaligiran at sa hangin.
“All of us should be mindful of how we hold our celeÂbrations not only to reduce carbon footprint but also in consideration of those affected by recent disasters in the Visayas,†pahayag ni Paje.
Anya, bagamat may nagdaang sakuna sa mga kapatid natin sa Visayas, hindi umano maiiwasan ng iba na gawin ang nakagawian ng tradisyon na mamigay ng mga magagarbong regalo na binalutan ng mamahaling wrappers, magluto ng maraming pagkain at salubungin ang bagong taon ng mga paputok.
Anya, maaari namang ipagdiwang ang okasyong ito sa pamamagitan ng green celebrations o paggamit ng mga praktikal na mga regalo na mas eco-friendly tulad ng paggamit ng mga recycled papers o reusable bags sa mga regalo at paghahanda ng konting pagkain lamang upang makalikha lamang ito ng kaunting basura.
Kaysa magagarbong regalo, mas mainam din anyang ipanregalo ngayong Pasko ang mga halaman at pananim o seedlings para magamit ng ilan sa kanilang mga bakuran na may malaking maitutulong para maibsan ang epekto ng climate change.
Hinimok din nito ang mga lokal na opisyal na magtalaga lamang ng firecracker at fireworks exhibition zones sa kani-kanilang mga lugar para maprotektahan ang mga residente sa pagsalubong sa bagong taon at tuloy maibsan ang polusyon na epekto nito sa hangin.
- Latest