^

Bansa

P77-B coco-levy fund maari ng itulong sa mga biktima ni Yolanda

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto na maaari ng mapakinabangan ng mga libo-libong coconut farmers na naging biktima ng bagyong Yolanda ang P77 bilyon coco levy funds.

Inihalimbawa ni Recto sa isang “frozen buko salad” ang nasabing pondo na panahon na para ibalik sa mga magsasaka ng niyog lalo na yong mga naging biktima ng bagyo.

Ayon kay Recto, ang nasabing buwis ay kinolekta sa mga magsasaka ng niyog sa pagitan ng 1971 hanggang 1982.

Base sa pagtaya ng gobyerno, nasa 34 milyong puno ng niyog ang naapektuhan ni Yolanda na nakatanim sa tinatayang nasa 41,662 ektarya sa Regions 6,7 at 8.

Sinabi ni Recto na kitang-kita naman sa mga litrato matapos ang bagyo ang pinsala ni ‘Yolanda’ kung saan ang mga hindi natumba ay nagmukhang toothpicks.

Dahil hindi na umano mapapakinabangan ang mga puno ng niyog, wala na ring ikabubuhay ang mga magsasaka na nakikinabang dito.

 

AYON

DAHIL

INIHALIMBAWA

INIHAYAG

NIYOG

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE RALPH RECTO

SINABI

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with