PNR employees miyembro na uli ng GSIS
MANILA, Philippines - Makakabalik na sa pagiging miyembro ng GoÂvernment Service Insurance System (GSIS) ang mga empleyado ng Philippine National Railways (PNR) makaraang magkasundo ang mga opisyal ng dalawang ahensya ukol sa hindi nababayarang kontribusyon.
Dahil dito, matatamasa na rin ng nasa 1,400 tauhan ng PNR ang mga benepisyo na ibinibigay ng GSIS kabilang ang aplikasyon para sa iba’t ibang uri ng loans. Kasama rito mga dating empleyado ng PNR na nagretiro na.
Ito ay matapos na magkasundo sina GSIS President Robert Vergara at PNR General Manager Allan Dilay sa pagbabayad ng huli sa “compulsory premium contributionsâ€.
Dahil dito, otomatikong tinanggal na ng GSIS ang ipinatupad na suspensyon sa mga empleyado ng PNR. Kasama na rin ang mga ito sa makakatanggap sa cash benefit na ipamamahagi ngayong Disyembre.
Ayon sa GSIS, mula noong 2010 ay nasa 140 suspendidong ahensya na ang naibabalik bilang miyembro at nabiyayaan ang nasa 800,000 manggagawa sa pamahalaan.
Matatandaan na higit sa P17 bilyon ang pagkakautang ng PNR sa GSIS dahil sa hindi pagbabaÂyad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado dulot ng patuloy umanong pagkalugi ng train system.
- Latest