Coast Guard bibili ng 10 barko
MANILA, Philippines - Ipinagmalaki ni PaÂngulong Aquino sa kanyang pagdating kahapon mula sa pagdalo sa 40th ASEAN-Japan commeÂmorative summit ang mga ‘good news’ na kanyang nakuha.
Sinabi ng Pangulo na inaprubahan ng Japanese International Cooperation Agency (JICA) ang $184 milyon na pautang upang makabili ng 10 vessels ang Philippine Coast Guard (PCG) na magbabantay sa ating karagatan.
Inaasahan ni PNoy na ang 10 bagong vessels ng PCG ay magagamit na sa 2015 matapos ang bidding process nito.
Nagpasalamat din ang Pangulo kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa tulong nito sa mga biktima ng bagyong Yolanda lalo ang pagpapadala ng mga personnel na tumulong sa search and recovery operations sa Tacloban City.
“Pakikisamang tunay po ang pinipilit nating ipakita sa lahat ng bansa. Sinusuklian nila ito ng napakabuti at napakatunay ding pakikisama; may respeto at nagpapamalas ng makabuluhang pakikibalikat habang sinisikap nating abutin ang ating mga adhikain. Nawa’y samantalahin po natin ang mga pagkakataon upang makapagpamana sa mga susunod na salinlahi ng isang lipunang mas patas, masagana at tumatamasa ng mas malawakang kaunlaran,†wika pa ni Pangulo sa kanyang arrival statement.
- Latest