^

Bansa

Ex-AFP Chief Gen. Bangit, pumanaw na

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pumanaw na si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff ret. Gen. Delfin Bangit, ang heneral na napilitang magretiro ng maaga matapos magpalit ng liderato sa gobyerno kaugnay ng pag-upo sa puwesto ni Pangulong Aquino noong Hulyo 2010.

Ayon kay AFP-Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, si Bangit ay sumakabilang buhay sa edad na 58 anyos pasado alas-5 ng hapon nitong Biyernes sa Saint Luke’s Medical Center sa Quezon City matapos ang matagal na pakikipaglaban sa kaniyang karamdaman.

Gayunman, hindi pa masabi ng opisyal kung anong sakit ang ikinamatay ni Bangit dahil hindi pa nito nakakausap ang nagluluksang pamilya ng dating Chief of Staff.

“The AFP is one with General Bangit’s family in their hour of grief as we honor a be-medalled soldier, an officer, and a gentleman who served our nation professionally,” ani Zagala. 

Bilang pagpupugay sa dating Chief of Staff ay inilagay sa half-mast ang mga bandila sa lahat ng military camp sa buong bansa. Si Bangit ay produkto ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1978 na karamihan ng opisyal ay kilalang naging malapit kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Si Bangit ang ika-39 Chief of Staff na nakilala sa malawakang crackdown laban sa mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Basilan at Sulu na ikinapilay ng lokal na teroristang grupo sa pagkalipol ng mga commander at sub-commanders ng mga ito.

Napababa rin ni Bangit sa 5,000 ang bilang ng mga rebeldeng NPA sa panahon ng liderato nito at ang karahasan ng mga ito ay nasa limang lugar na lamang sa buong bansa.

Noong 2010 national elections ay nanindigan rin si Bangit para sa isang malinis at mapayapang halalan na binigyan ng direktiba ang AFP na huwag makisawsaw sa pulitika.

Gayunman ng maluklok sa puwesto si PNoy ay napilitang magretiro ng maaga ang heneral matapos lantarang sabihin ng punong ehekutibo na ayaw niya sa heneral dahil isa umano ito sa tinaguriang “GMA boys”.

Ang heneral ay natalagang Chief of Staff noong Marso 2010 subalit nagretiro ng maaga noong Hunyo 22, 2010 na dapat sana’y sa Agosto 30, 2011 pa o pagsapit nito sa edad na 56, ang mandatory age retirement o ilang linggo bago naupo sa puwesto si PNoy na lantaran ang pag-ayaw dito sa media interbyu.

Nakalagak ang bangkay ni Bangit sa mortuary ng Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City at sa Disyembre 17 ay dadalhin ito sa Camp Aguinaldo.

Nakatakdang pagkalooban ng ‘full military honor’ si Bangit sa paghahatid dito sa kaniyang huling hantungan.

 

ABU SAYYAF GROUP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BANGIT

CAMP AGUINALDO

CHIEF OF STAFF

DELFIN BANGIT

FORT BONIFACIO

GAYUNMAN

SI BANGIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with