^

Bansa

P10 pasahe sa dyip ipinetisyon na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang naisampa kahapon ng iba’t ibang transport groups sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang petisyon na humihiling sa ahensiya na maitaas sa P2 ang pasahe sa mga pampasaherong dyip o gagawing P10.00 ang minimum fare mula sa kasalukuyang P8.00 minimum fare.

Sa 11-pahinang petisyon, binigyang diin ng transport groups na Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (FEJODAP), Alliance of Transport Ope­rators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP), Philippine Confederation of Drivers Organizations-Alliance of Concerned Transport Operators (PCDO-ACTO) at Liga ng Transportasyon at Opereytors sa Pilipinas (LTOP) na napapanahon na maitaas sa P10.00 ang minimum na pasahe sa dyip dahil umaabot na sa P45.40 kada litro ang diesel na gamit nila sa pamamasada at ma­tindi na rin ang epekto sa kanilang kita ng serye ng oil price hike.

Bukod anila sa mataas na presyo ng diesel ay tumaas din ang halaga ng spare parts, mga bayarin sa gobyerno gayundin ng taas ng halaga ng mga bilihin at pagtaas ng singil sa kuryente.

Sa P2 taas-pasahe sa apat na kilometrong biyahe ay humihingi din sila ng dagdag na 35 sentimos na dagdag sa bawat susunod na kilometro.

Taong 2008 nang huling magkaroon ng fare hike sa passenger jeepney.

Una rito, niliwanag ni LTFRB Chairman Wins­ton Gines na walang magaganap na fare increase sa dyip ngayong taon dahil kung mayroon mang mag-file ng petition tulad nito ay aabutin pa ito ng ilang linggong pagdinig ng board na malamang sa Enero 2014 bago ito madesisyunan ng ahensiya.

Tanging ang Pa­sang Masda naman ni Obet Martin ang hindi kasama sa filing ng fare hike dahilan sa anya’y pamaskong handog nila na hindi sumama sa nagfile ng petisyon.

Malaki an­yang epek­to sa maliliit na manggagawa sa bansa kung magkakaroon pa nga­yong panahong ito ng fare hike sa jeep gayung hikahos na anya ang mamamayan mula sa epekto ng taas ng bilihin, mataas na singil sa kur­yente at iba pang bayarin at gastusin ngayong holiday season.

ALLIANCE OF TRANSPORT OPE

BUKOD

CHAIRMAN WINS

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHI

DRIVERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

DRIVERS ORGANIZATIONS-ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT OPERATORS

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

OBET MARTIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with