^

Bansa

DOE siyasatin sa power hike - solon

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahilan sa malaking pagtaas ng singil sa kuryente kayat pinaiimbestigahan sa Kamara ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang mga opisyal ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay Zarate, dapat na humarap sa Kamara ang mga energy officials para pagpaliwanagin sa malaking taas sa singil sa kuryente.

Giit ng kongresista, dapat na manghimasok na ang Kamara dahil hindi makatwiran ang sinasabing apat na piso per kilowatt hour na itataas sa power rate.

Malaking katanungan din umano kung bakit himdi mapaghandaan ng gobyerno ang epekto ng shutdown ng Malampaya Natural gas plant.

Dapat ay may panahon ang gobyerno na maglatag ng alternatibo para hindi maipasa sa publiko ang bigat nito dahil matagal na umanong planado ang shutdown nito para sa maintenance mula Nobyembre 11 hanggang Disyembre 10.

Bunsod nito kayat pinasaringan ni Zarate ang gobyerno dahil sa bukod sa kinulang umano sa aksyon ay taga depensa pa ng rate increase.

AYON

BAYAN MUNA REP

BUNSOD

CARLOS ZARATE

DAHILAN

DAPAT

DEPARTMENT OF ENERGY

KAMARA

MALAMPAYA NATURAL

ZARATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with