DOH walang ‘travel ban’ sa H7N9
MANILA, Philippines - Sa kabila ng bagong kasong naitala na namatay sa H7N9, hindi pa rin magpapatupad ng “travel ban†ang Department of Health (DOH) sa Hong Kong.
Ayon kay Health Asec. Eric Tayag, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensiya sa World Health Organization (WHO), hinggil sa deveÂlopment ng nakumpirmang kaso nang H7N9 avian flu contamination.
Sa ngayon aniya ay hindi pa nirerekomenda ng WHO ang travel resÂtriction, hindi lamang sa Hong Kong, kundi maging sa ibang panig ng China.
Muli ring tiniyak ng opisyal na nananatiling “bird flu-free†ang bansa at may ipinapatupad ng measures ang gobyerno para mamonitor ang posibleng pagpasok ng virus sa Pilipinas.
Nagpaalala rin si Tayag na patuloy na umiiral ang “importation ban†ng mga poultry products galing ng China, bilang bahagi sa naturang precautionary measures.
Una nang nakumpirma ang kauna-unahang human case ng H7N9 sa isang 36-year-old Indonesian house helper sa Hong Kong.
Sa ngayon, mayroon nang naitalang 141 birds flu cases sa buong mundo kung saan 47 na ang kumpirmadong nasawi.
- Latest