^

Bansa

Parak ‘tinalo’ ng akyat-bahay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa sa tatlong miyem­bro ng akyat-bahay na nan­loob sa bahay ng isang parak ang nadakip kahapon sa lungsod Quezon.

Gayunman, malas pa ring maituturing si SPO1 Ariel Barong, dahil ang kanyang mga alahas na may kabuuang halagang P120,000 ay hindi na na­rekober matapos madala ng mga nakatakas na suspek.

Nakilala naman ang na­dakip na si Richard Carillo, 20, ng Brgy. Sauyo.

Ayon kay Supt. Michael Macapagal, hepe ng Talipapa police station, nilooban nina Carillo at dalawa pang kasamahan ang bahay ni Barong na matatagpuan sa Tierra Bella Homes, Tandang Sora Ave. sa Brgy. Culiat.

Bago nito, si Barong na nakatalaga sa  Police Security and Protection Group ay umalis ng  kanyang bahay ganap na alas- 4:20 ng hapon.

Iyon naman ay sina­man­tala ng mga suspek at pinasok ang bahay ng pulis sa pagmamagitan ng pagsira sa padlock ng unahang pintuan.

Natangay ng mga sus­pek ang P60,000 cash, isang gold necklace (P20,000), isang gold ring (P10,000), isang Seiko gold plated wristwatch (P15,000), isang Citi­zen silver wristwatch  (P10,000), at isang gold bracelet (P5,000).

Gayunman, maagang bu­malik sa bahay si Barong at naaktuhan pa nito sa loob ng bahay ang mga suspect.

Dahil dito, mabilis na tumakbo palabas ng bahay sina Carillo at mga kasamahan nito, hanggang sa ma­sabat ang una ng nagpapatrulyang pulis na si PO2 Jose Poral at ma­aresto. Habang na­ka­takas ang dalawang kasamahan nito.

ARIEL BARONG

BAHAY

BRGY

CARILLO

GAYUNMAN

JOSE PORAL

MICHAEL MACAPAGAL

POLICE SECURITY AND PROTECTION GROUP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with