^

Bansa

Tulong ng pribadong sektor hihingin ni Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni dating Senator Panfilo “Ping” Lacson na hihingin niya ang tulong ng pribadong sektor sa rehabilitas­yon ng mga probinsiyang sinalanta ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni Lacson, sa 40-taon niya sa public service, alam niya ang ‘bureaucratic red tape’ sa gobyerno na posibleng magpabagal sa rehabilitasyon at relief effort sa mga lugar na pinadapa ng kalamidad.

Ayon kay Lacson, kung siya ang masusunod mas gugustuhin niyang makuha ang tulong ng pribadong sektor.

Ang magiging papel umano niya at ng gobyerno at i-monitor ang mga proyektong ipatutupad ng pribadong sektor.

Aminado si Lacson na mas makakakilos ng mabilis ang pribadong sektor dahil hindi sila sakop ng Procurement Act o Republic Act 8184 kaya mas mapapabilis ang rehalibitasyon.

Isang hamon umano sa kanya ngayon kung papaano makakabuo ng isang mekanismo upang ma-engganyo ang mga business firms at ibang kompanya na tumulong sa rehabilitation programs ng pamahalaan.

Nang tanungin kung nawala na ang tiwala niya sa kapasidad ng mga ahensiya ng pamahalaan, sinabi ni Lacson na ayaw lamang niyang magpahinto-hinto ang mga proyektong gagawin.

AMINADO

AYON

INIHAYAG

ISANG

LACSON

PROCUREMENT ACT

REPUBLIC ACT

SENATOR PANFILO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with