^

Bansa

Mahihirap na senior citizens may monthly pension sa DSWD

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang ma­ka­kuha ng buwanang pension sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga mahihirap na senior citizen.

Ito’y sa sandaling maisabatas ang House Bill 2958 na layong mabigyan ng P1,000 kada buwan ang mga senior citizen na hindi benepisaryo ng Social Security System (SSS), Government Security and Insurance System (GSIS), Armed Forces of the Philippines (AFP)-Mutual Benefit Association, Inc. o anumang insurance company.

Nakasaad din sa HB 2958 ni Rep. Winston Castelo na dapat magkaroon ng Special Social Pension Program para sa kapakinabangan ng mga mahihirap na senior citizens.

Sakop ng panukala ang mga mahihirap o indigent senior citizens na mahina na, sakitin, may kapansanan at walang natatanggap na pension o permanenteng pinagkukunan ng kita o suporta sa miyembro ng pamilya.

Kailangang pumasa ang naturang senior citizens sa requirement ng DSWD National Household Targeting System for Poverty Reduction para makasama sa pension.

Pinaka-prayoridad nito ang mga senior citizens na 80 anyos pataas, susundan ng 70-79 taon at 60-69 taong gulang.

Tinatayang nasa 1.3 milyong senior citizens ang naninirahan sa ARMM at Regions V, VI at VII, na kinukunsiderang mahirap na lugar, ang bibigyang prayoridad.

Gayundin ang mga senior citizens na ninirahan sa squatter areas at liblib na barangay sa bansa.

 

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

GOVERNMENT SECURITY AND INSURANCE SYSTEM

HOUSE BILL

MUTUAL BENEFIT ASSOCIATION

NATIONAL HOUSEHOLD TARGETING SYSTEM

POVERTY REDUCTION

REGIONS V

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with