^

Bansa

Alert level 2 na lang sa Egypt

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling ibinaba ng Department of Foreign Affairs ang crisis alert level 3 sa Egypt sa alert level 2 dahil na rin sa tuluy-tuloy na paghupa ng tensyon doon.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, nangangahulugan na ang voluntary repatriation sa ilalim ng alert level 3 ay bababa na lamang sa “restriction phase” makaraang gumanda ang political at security situation sa Egypt.

Inisyu ang alert level 2 matapos na makitang wala nang direktang banta sa buhay, seguridad at ari-arian ng mga Pinoy mula sa mga karahasan at external threat sa nasabing bansa.

Sa ilalim ng restriction phase, pinapayagan lamang na makapunta sa Egypt ang mga “returning” o nagbabalik-trabaho na OFWs na may kasalukuyang employment contract.

 

ALERT

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EGYPT

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ALBERT

INISYU

LEVEL

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with