^

Bansa

Hindi si Aguinaldo Bonifacio, unang Phl president

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pag-aaralan ng Mala­cañang ang panukalang ideklara si Gat. Andres Bonifacio bilang unang pangulo ng bansa kaysa kay Emilio Aguinaldo.

Sinabi ni Deputy Pre­sidential Spokesperson Abigail Valte, kailangang konsultahin pa dito ni Pa­ngulong Aquino ang mga experts gayundin ang iba’t ibang ahensiya hinggil sa kahilingan ng Manila City at ng Kongreso na ideklara si Bonifacio bilang kauna-unahang pa­ngulo ng Pilipinas.

Si Bonifacio ang nagtayo ng Katipunan at na­nguna sa paglaban para sa kalayaan ng bansa laban sa Spanish rule.

Hiniling ni Manila Councilor Yul Servo na ideklara si Bonifacio na kauna-unahang pangulo ng Pilipinas dahil ito ang nagtatag ng first national government mula Agosto 24,1896 hanggang sa paslangin ito noong Mayo 10, 1897.

Ang kinikilala naman na kauna-unahang pa­ngulo ng Pilipinas sa kasaysayan ay si Emilio Aguinaldo dahil sa ginawa nitong pagdedeklara ng kalayaan sa balkonahe ng tahanan nito sa Kawit, Cavite noong June 12, 1898.

Ipinagdiriwang ng bansa ngayon ang ika-150 taong kaarawan ni Bonifacio kung saan pa­ngungunahan ito ni Pa­ngulong Aquino sa Bonifacio Monument sa Caloocan City.

ANDRES BONIFACIO

AQUINO

BONIFACIO

BONIFACIO MONUMENT

CALOOCAN CITY

DEPUTY PRE

EMILIO AGUINALDO

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with