MANILA, Philippines - Kinasuhan ng tax evasion ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isa sa mga contractors ng Malampaya Fund Infrastructure Project.
Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, ang operator na si Bella Tiotangco ng BCT Trading and Construction ay nagdeklara lamang ng P167.77 milÂyong kinita noong 2008.
Sa mga dokumentong nakalap ng BIR, lumalabas sa mga tseke, disbursement vouchers at dokumento mula sa Provincial Government of Palawan na may P330.36 milyon itong kinita noong 2008.
Tumanggap din umano ito ng P52.95 milyon para sa pagkumpleto sa itinayong mga imprastraktura sa Port sa El Nido, Palawan.
Bunga nito, ayon sa BIR, hindi naideklara ni Tiotangco ang kinitang P233.71 milyon gayundin ay under-declared ang kanyang value added tax para sa 2nd, 3rd at 4th quarters ng 2008 na may halagang P71.55 milyon, P123.66 milyon at P123.11 milyon.
May tax liability si Tiotangco na umaabot sa P277.21 milyon.