Pinay nahulihan ng droga sa Malaysia
MANILA, Philippines - Isang Pinay ang nahulihan ng kilu-kilong ipinagbabawal na droga sa Malaysia.
Ang Pinay na hindi pinangalanan ay unang nagtrabaho bilang OFW sa Macau at tumungo sa Malaysia sa paanyaya ng isang kaibigan kung saan dito siya nahulihan ng Malaysian authorities ng illegal drugs.
Unang umapela ng tulong si Annalyn Cañete, nakatatandang kapatid ng nasabing OFW sa radio DZMM, dahil sa umano’y pagkaka-aresto sa kanyang kapatid pagdating nito sa Malaysia mula Macau.
Nakatakdang dumulog sa DFA ang mga kaanak ng nasabing Pinay upang mabigyan ng abogado ang huli at maipagtanggol ang sarili matapos na igiit na na-setup lamang ito.
Tumawag at ipinagbigay-alam ng nasabing OFW noong Nobyembre 20 sa kanyang kapatid na siya ay nakapiit makaraang mahulihan ng may 3 kilong illegal drugs noong Nobyembre 15.
Nakatakda umanong sentensyahan ang naturang Pinay sa Biyernes.
- Latest