Patas na House inquiry, giit
MANILA, Philippines - Nanawagan si party-list Ako-Bicol Rep. Rodel Batocabe sa liderato ng Kamara at iba pang ahensya ng pamahalaan na maging patas sa pagsisiyasat hinggil sa sinasabing anomalya sa tobacco industry ng bansa.
Kasabay nito, nagbabala naman si party-list Kabataan Rep. Terry Ridon sa House Committee on Ways and Means na posibleng nagagamit ng ilang foreign companies para gipitin lamang sa layuÂning mapahinto ang operasyon ng tobacco/cigarette manufacturer na lehitimong pag-aari ng Pinoy investor.
Nagpatawag ng pagdinig ang nasabing komite, na pinamumunuan ni Marikina City Rep. Romero Federico “Miro†Quimbo sa alegasyong “under-declaration†ng local company Mighty Corporation at nagagawang makapagbenta ng sigarilyo na P1 kada stick kumpara sa kalabang multi-national firms.
Tiniyak naman ni Ridon na handa siyang idepensa ang isang lokal na kumpanya mula sa pag-atake ng mga dayuhang mamumuhunan kung saan ganito rin ang dapat gawin ng pamahalaan na suportahan ang mga Filipino company na nagbibigay ng trabaho at nagbabayad ng buwis sa gobyerno.
Sinabi naman ni retired Judge Oscar P. Barrientos, executive vice-president at spokesman ng naturang local manufacturer na walang basehan, espekulasyon at malisyoso ang ibinibintang sa kanila at hindi umano ang pagkamal ng malaking kita ang sentro ng kanilang negosyo kundi ang isaalang-alang ang kapakanan ng bansa at mga kababayang Filipino.
- Latest