P398 B kailangan sa pagbangon ng Samar, Leyte
MANILA, Philippines - Kakailanganin ng Pilipinas ang $9.2 bilyon o P398 bilyon para sa reconstruction ng Leyte at Samar.
Ayon kay Albay Gov. Joey Salceda, kilalang ekonomista at co-chair ngayon ng United Nations’ Green Climate Fund (GCF), ang naunang tantiyang $250 bilyon reconstruction cost ng National Economic Development Authority (NEDA) ay para lamang sa pabahay, mga paaralan at iba pang mahahaÂlagang imprastraktura.
Kasama sa tantiya ni Salceda ang P1bilyon para pantawid gutom ng mga sinalanta (pagkain, P320/pack, dalawang beses isang linggo para sa 600,000 pamilya o P48 bilyon sa loob ng 18 buwan o hanggang mailipat sila); P50 bilyon sa livelihood at agricultural rehabilitation; at P50 bilyon sa “incremental disaster-proofing and geostrategic interventions costs.†Ang suma nito ay P148 bilyon higit na mataas sa naunang tantiya ng NEDA.
Ayon pa sa Albay governor, dapat matuto ang Pilipinas sa naging karanasan ng Haiti na walang matinong kalsada at supply ng tubig at kuryente kahit sa kabisera nitong Port Au Prince apat na taon pagkatapos yanigin ng malakas na lindol noong Enero, 2010 sa kabila ng $12 bilyong tulong na tinanggap nito mula sa international community. Kulang pa sa 10 milyon ang populasyon ng Haiti, isang maliit na bansa sa Central America kung saan hanggang ngayon mga 400,000 pa rin ang nakatira sa mga donasyong tents.
- Latest