^

Bansa

International jury magbibigay ng choral workships sa ‘Sing N Joy Manila 2013’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang mga batikang choral conductors na sina Kirby Shaw ng Amerika at Jonathan Velasco ng Pilipinas ang mangunguna sa international jury para sa Sing N Joy Manila 2013, na gaganapin sa Aliw at Star Theaters mula ika-11 ng Disyembre sa ilalim ng Manila Broadcasting Company, Interkultur Germany, at ng Philippine Choral Directors Association. Kasama nila sina Chau Anh Dang ng Vietnam, Tommyanto Kandisaputra ng Indonesia, Ko Moe Naing ng Myanmar, at Beverly Shangkuan-Cheng.

Pangungunahan din nina Shaw at Velasco ang mga choral workshops sa umaga ng Disyembre 12-13.  Ang mga interesado ay maaring magparehistro sa www.interkultur.com 45 choirs mula sa iba’t ibang lugar ng ASEAN ang maglalaban sa mixed chorus, musica sacra, folkloric, pop-jazz, gospel-spiritual, at youth categories ng Sing N Joy Manila, kung saan makakakuha rin ng international ratings ang mga kasali.  USD5,000  ang nakalaan sa magwawagi ng Grand Prix, bukod sa mga gold, silver, at bronze certificates na ipamamahagi sa bawat kategorya.

Ang Sing N Joy Manila 2013 ay handog din ng Star City at Globe Telecom, sa pakikipagtulungan ng Alaska, 7-11, Alpen Libe, M. Lhuillier, Coca Cola, at ng Department of Tourism. Para sa karagdagan detalye, maaring mag-email sa [email protected] o kontakin ang numerong  0932.287.5550.

ALPEN LIBE

ANG SING N JOY MANILA

BEVERLY SHANGKUAN-CHENG

CHAU ANH DANG

COCA COLA

DEPARTMENT OF TOURISM

DISYEMBRE

GLOBE TELECOM

GRAND PRIX

SING N JOY MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with