Delfin Lee inabsuwelto ng CA
MANILA, Philippines - Inabsuwelto ng Court of Appeals (CA) si Globe Asiatique President Delfin Lee sa kasong syndicated estafa.
Ang kaso ay nag-ugat sa mahigit P7-bilyon maanomalyang pautang na inaprubahan ng Pag-ibig Fund para sa diumano’y mga bumili ng bahay sa houÂsing project ng kumpanya sa Mabalacat, Pampanga na nadiskubreng “ghost borrowers†.
Sa 29-pahinang desisyon na isinulat ni Associate Justice Franchito Diamante, pinawalang bisa rin ng CA special 15th division ang warrant of arrest na ipinalabas ng Pampanga Regional Trial Court laban kay Lee.
Sa nasabing kautusan, inaprubahan ng appellate court ang petition for certiorari na inihain ni Lee at inatasan si Judge Ma. Amifaith Fider-Reyes ng San Fernando, Pampanga RTC Branch 42 na itigil na ang pag-usad ng kasong kriminal laban kay Lee.
Samantala, sinabi naman ni Justice Sec. Leila de Lima na tuloy pa rin ang pagtugis ng NBI at PNP kay Lee dahil hindi pa umano pinal ang kautusan ng CA.
Sinabi ni De Lima, maghahain sila sa CA ng motion for reconsideration sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General para hilinging baligtarin ang nauna nitong desisyon.
- Latest