Embalsamador kailangan ng DOH
MANILA, Philippines - Umapela na ng tulong sa mga embalsamador ang Department of Health na makakatuwang ng mga foreign forensic expert para mapadali ang pagkilala sa libu-libong katao na namatay dahil sa pananasala ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.
Pinaliwanag ni Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, ng DOH-National Epidemiology Center, na kailangan ng kagawaran ng 20 embalmer, ngunit hindi aniya sila mag-eembalsamo ng mga bangkay.
Tutulong aniya ang volunteer-embalmers sa mga forensic experts sa tagging, handling at pagkilala sa mga bangkay.
Napag-alaman na nagiging mabagal ang tagging at pagkilala sa mga bangkay dahil sa kakulangan ng mga taong gagawa nito.
Ang resulta, mabagal din ang disposisyon ng mga bangkay at inireÂreklamo na ng mga tao ang mabahong amoy ng mga bangkay na nakakalat pa rin umano sa mga kalsada, ilang araw matapos manalanta ang super typhoon sa malaÂking bahagi ng Samar at Leyte.
Bibigyan aniya ng pamasahe ng DOH ang mga embalsamador na gustong mag-volunteer.
Mas mabuti aniya kung ang mga volunteer-embalmer ay mula rin sa Eastern Visayas.
Sa huling tala, 3,681 na ang kumpirmadong patay dahil sa bagyong Yolanda, at marami sa mga biktima ang hanggang ngayon ay hindi pa rin kilala.
Ang mga embalsamador na interesadong maÂging volunteer ay maaari umanong kumontak sa DOH Hotline 711-1001 at 711-1002.
- Latest