^

Bansa

Bilang ng patay sa ‘Yolanda’ binabawasan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nais ba ng gobyerno na itago sa publiko ang katotohanan sa patuloy na tumataas na bilang ng mga nasawi sa delubyo ng super typhoon Yolanda?

Ito ngayon ang kumakalat na katanungan matapos na masaksihan mismo ng mga reporter na nagkokober sa Region VIII o Eastern Visayas (Samar, Leyte) na mula sa tally sa bulletin board na 5,016 nasawi sa trahedya base sa narekober na mga bangkay ay bigla itong pinalitan ng 3,422 mula sa opisyal na tala ng death toll.

Una nang inianunsyo ni Pangulong Aquino na target ng gobyerno ang ‘zero casualty’ sa super bagyong Yolanda pero nabigo ito matapos na libu-libo ang masawi sa Visayas Region partikular sa Tacloban City, Leyte.

Ang nasabing bilang na 5,016 na itinala ng command center ng Office of Civil Defense (OCD) Region 8 ay official tally na siya sanang dapat na ipinararating sa punong tanggapan nito sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa Camp Aguinaldo.

Nang hingan umano ng paliwanag ay sinabi ng isa sa mga opisyal ng OCD Region VIII,  na kinastigo raw sila ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas dahil sa pagtatala ng tunay na katotohanan sa death toll at pinapalitan ang bilang ng 3,422 gayong lumagpas na rito ang mga narerekober na bangkay.

Kamakalawa ay sinibak si Police Regional Office (PRO) 8 Chief Supt. Elmer Soria matapos niyang sabihin na posibleng umabot sa 10,000 ang nasawi sa super typhoon Yolanda dahil sa tindi ng pinsala nito na kinontra naman ng Pangulo at tinaya na aabot lamang ito sa 2,500.

Magugunita na inulan ng kaliwa’t kanang pagbatikos si PNoy mula sa international community at foreign media sa pangu­nguna ni CNN veteran newscaster Anderson Cooper na nagbulgar sa mabagal na pagtugon sa relief operations ng pamahalaan sa mga survivor ni Yolanda.

Sa opisyal na tala ng NDRRMC, sinabi ni Executive Director Eduardo del Rosario na umaabot na sa 3,621 ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8; 12,165 ang nasugatan at 1,140 pa ang nawawala sa Visayas Region, Calabarzon, Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) at Bicol Region.

ANDERSON COOPER

BICOL REGION

CAMP AGUINALDO

CHIEF SUPT

EASTERN VISAYAS

ELMER SORIA

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

VISAYAS REGION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with