Rape sa mga biktima ng bagyo ikinabahala
MANILA, Philippines - Kinalampag kahapon ni Senator Nancy Binay ang gobyerno na tiyakin ang kaligtasan ng mga kababaihan at mga bata sa gitna ng ulat na may mga nare-rape at nagagawan ng iba pang krimen sa mga apektadong lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Ayon kay Binay, nakakabahala ang ulat na may mga napagsasamantalahan pang mga kababaihan at mga bata sa kabila ng naranasan nilang trahedya.
Nakakaalarma rin aniya ang pagbagsak ng moral values at civic order sa mga apektadong lugar dahil sa halip na magtulungan ay may mga nagsasamantala pa. Sabi ni Binay hindi lamang ang pagbibigay ng tulong katulad ng pagkain at matutuluyan ang dapat ibigay ng gobyerno sa mga biktima ng bagyo kundi ang siguraduhin ang kanilang kaligtasan at mapangalagaan ang kanilang mga karapatan.
- Latest