Nag-suicide na policewoman, 17 pa isinailalim sa paraffin test
MANILA, Philippines - Isinalang `sa paraffin test ang bangkay ng isang lady cop na natagpuang patay matapos mag-suicide, gayundin ang may 17 pang police personnel ng PNP-Crime Laboratory (PNP-Crime Lab ) sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Wilben Mayor, ito’y upang mabatid ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng biktimang si Inspector Romelou Medina.
Si Medina, 35, ay naÂtagpuang patay sa Finance Section ng PNP-Crime Laboratory dakong alas-7:30 ng umaga noong Huwebes.
Ayon kay Mayor bukod kay Medina, lahat ng police personnel ng PNP Crime Laboratory na naka-duty mula alas-8 ng umaga noong Oktubre 30 hanggang alas-8 ng umaga nitong Oktubre 31 ay isinalang rin sa paraffin test.
Gayunman, base sa pagsÂusuri ayon kay Mayor ay negatibo sa gun powder burns ang 17 police personnel na naka-duty sa PNP-Crime Lab bago nadiskubre ang bangkay ni Medina na siya lamang tanging lumitaw na positibo sa gun powder burns sa paraffin test.
“Medina’s right hand is positive for gun powder burns meaning she could have fired a gun but this is not yet conclusiveâ€, ani Mayor na sinabing tinatapos pa ang resulta ng imbestigasyon.
Magugunita na noong Huwebes ng umaga sa kasagsagan ng paghahanda sa security operations kaugnay ng paggunita sa Undas ay nagulantang ang buong PNP Headquarters sa pagkakadiskubre sa bangkay ni Medina sa tanggapan ng PNP-Crime Laboratory.
Ang nasabing opisyal miyembro ng Manila Police District Crime Laboratory Office ay sumasailalim sa Basic Course at Modified Field Training Program sa nasabing tanggapan upang higit pang maÂging bihasa bilang forensic expert.
Si Medina ay may isang tama ng bala sa kanang sentido mula sa cal 9 MM na service pistol nito na natagpuan rin sa tabi ng kaniyang bangkay.
- Latest