Mga residente sa Bohol pinalilikas dahil sa sinkhole
MANILA, Philippines - Pinapalikas na ang halos 200 residente ng TagÂbilaran City dahil sa peligro kasunod ng pagÂkakadiskubre ng daÂlaÂwang malalaking sinkÂhole na nilikha ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol noong Oktubre 15.
Sa ulat na ipinarating ng Mines and GeoÂsciences Bureau (MGB) sa Office of Civil Defense (OCD) Region 7, ang nakitang malaking sinkhole sa Brgy. Poblacion 1 ng TagÂbilaran City ay posibleng lumaki pa at magbunsod ng landslide.
Dahil sa nagmistulang kuweba na rin ang mga nilikhang bitak sa ilalim ng lupa sa ibabaw na ÂkiÂnatitirikan ng mga kabaÂhayan dito ay kailangan ng paliÂkasin ang mga residente.
Nangangamba ang mga opisyal na sa oras na sumama ang panahon lalo na ang malalakas na pagbuhos ng ulan ay magkaroon ng landslide sa lugar na peligroso sa buhay ng mga tao rito.
Sa kabila nito ay tu matanggi naman umano ang mga resiÂdente na lisanin ang kanilang mga tahanan sa katwirang hindi pa naman umano umuulan sa lugar at wala silang matutuluyan.
Kasalukuyan naÂmang nagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa naÂdiskubre pang karagÂdaÂgang sinkhole ang mga opisyal ng MGB at Phivolcs.
Magugunita na maÂtapos na yanigin ng maÂpaminsalang lindol ay nauna nang lumitaw ang anim na sinkhole, isa rito ay sa Lapu-Lapu City Cebu at lima pa sa iba’t ibang bayan ng Bohol.
- Latest