^

Bansa

Legalidad ng DAP nasa SC hindi sa opinyon ni PNoy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang Supreme Court lamang ang maaring mag­pasya tungkol sa legalidad ng Disbursement Accele­ration Program (DAP) at hindi si Pangulong Aquino.

Ginawa ni Sen. Jinggoy Estrada ang reaksiyon ma­tapos ipagtanggol ng Pangulo ang DAP sa talumpati niya sa telebis­yon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Estrada, kung sa tingin ng Pangulo ay legal ang DAP ay opin­yon niya ito pero ang SC pa rin ang pinal na arbiter ng batas.

Naniniwala si Estrada na dapat ipaubaya na la­mang sa SC ang pag­dedesisyon tungkol sa constitutionality ng DAP at walang magagawa ang sinuman sakaling mag­pasya ang Mataas na Hukuman na labag ang programa sa Konstitusyon.

Matatandaan na ma­tapos makaladkad sa isyu ng P10 bilyong pork barrel scam, ibinunyag ni Estrada sa isang privilege speech na namahagi ang Malacañang ng ka­ragdagang pork barrel ma­tapos ma-impeach si dating chief justice Re­nato Corona.

Pero ipinagtanggol ng Malacañang ang nasabing pondo na para umano sa mga proyektong nasa ilalim ng DAP.

Iginiit din ni Estrada na hindi sa kanya nagsimula ang isyu ng DAP kundi kay mismong Budget Se­c­­retary Butch Abad ng aminin nito na ang pondong ipinamahagi sa mga senador na bu­moto ng pabor sa pag-convict kay Corona ay para sa DAP.

Ang DAP ang si­na­sabing economic sti­­mu­lus program ng gob­ yernong Aquino.

Inihayag ni Estrada na wala naman siyang bi­nanggit na DAP at sa halip ay si Abad ang nagpaliwanag tungkol sa nasabing pondo.

ANG SUPREME COURT

BUDGET SE

BUTCH ABAD

DAP

DISBURSEMENT ACCELE

JINGGOY ESTRADA

MALACA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with