^

Bansa

Sa nobya ni Freddie Aguilar DSWD suportado ng Palasyo

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportado ng Palasyo ng Malacañang ang hakbang ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang tulungan ang menor de edad na dalagitang karelasyon ng 60 anyos na folk singer na si Freddie Aguilar.

Sinabi ni Sec. Herminio Coloma Jr. ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na tungkulin ng DSWD na tulungan at bigyan ng counsel ang mga magulang ng babae gayundin ang menor de edad na nasasangkot.

“Nais pagpayuhan ng DSWD ang mga magulang at ibang taong nasasangkot, iyong pong menor de edad na sangkot po dito. Gusto rin naming makausap si Mr. Aguilar. Ibig sabihin po ng DSWD, ‘katungkulan namin sa ilalim ng batas na pangalagaan ang mga menor de edad pero ginagawa namin ito nang may pagkasensitibo kaya dayalogo ang paraan,” sabi pa ni Coloma.

Sinabi niya na sinusuportahan ng Malacañang ang naging hakbang ni DSWD Secretary Dinky Soliman kaugnay sa si­na­­sabing May-December love affair na sangkot ang singer na nagpasikat sa kantang “Anak”.

Magugunita na uma­min mismo si Aguilar na ang kanyang nobya ay isang 16-anyos na dalagita na mula sa lalawigan ng Mindoro at wala naman daw pagtutol ang mga magulang nito sa kanilang relasyon.

vuukle comment

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FREDDIE AGUILAR

HERMINIO COLOMA JR.

MALACA

MR. AGUILAR

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

SECRETARY DINKY SOLIMAN

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with