^

Bansa

Pag-eendorso ng gov’t official, bawal

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Commission on Elections na walang sasantuhin sa kanilang  ipatutupad na batas kung saan ipinagbabawal ang anumang pag-eendorso at pag-iimpluwensiya ng mga government officials sa mga kumakandidato.

Ayon sa Comelec, nais nilang ipakita na non-partisan ang barangay elections.

Nabatid na isang election officer ang umano’y nagtungo sa birthday party ng chairman ng  Bgy. Ma­landay, Marikina City noong Oktubre 8 kung saan simula  na ang election period.

Batay sa pahayag ng ilang concerned citizen, nakakapagtaka lamang na kinausap ng sarilinan ng Elections officer na si Michael Fojas ang tumatakbong incumbent barangay chairman at tumatakbong bagong kagawad. May la­rawan umano silang magpapatunay nito.

Paliwanag ng  mga concerned citizen, hindi umano magandang tignan ang pagdalo ni Fojas sa birthday party ng bgy. chairman na ginanap sa barangay. Anila buong araw nasa barangay hall si Fojas.

Sinabi pa ng mga ito na dating nakatalaga sa  Comelec-San Juan si Fojas at naitalaga di umano sa Marikina noong Set­yembre.

Subalit ayon kay Co­melec Spokesperson Atty. James Jimenez, wala siyang alam na paglabag  ng elections officer kung nakikipag-usap ito sa mga kandidato.

Payo ni Jimenez, mag­sampa ng kaukulang  reklamo upang mas maimbestigahan ng komisyon.

ANILA

AYON

COMELEC-SAN JUAN

FOJAS

JAMES JIMENEZ

MARIKINA CITY

MICHAEL FOJAS

SPOKESPERSON ATTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with